Wika ay Ikaw
Ano ba ang wika? Bakit ito mahalaga? Dapat ba natin itong pag-aralan at pagtibayin? Ano ba ang importansiya nito sa ating araw-araw na pamumuhay? Ilan lang iyan sa mga katanungan na nangangailangan ng kasagutan tungkol sa ating wika.
Ang wika ay kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon, at panlipunan. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito. Mayroon tayong Wikang Pambansa na ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa loob ng ating bansa. Halimbawa nito ay Tagalog na ginagamit sa Maynila, Bisaya na ginagamit sa mga Cebuano atbp. Ang ating Pambansang wika ay Filipino. Mayroon din tayong Wikang Opisyal na itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang ating Wikang Opisyal ay ang ating Wikang Pambansa na Filipino. At ang panghuli ay Wikang Panturo na opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ingles at Filipino lamang noon ang itinuturo sa paaralan pero dahil sa umiba na ang curriculum nadagdagan ng isa ito ay ang Mother-tounged.
Ika nga ni Dr. Jose Rizal;"Ang hindi marunong magmahal sa kanyang sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda."
Kaya dapat nating pahalagahan ang ating wika dahil ito ay mahalagang kayamanan natin. Pagyamanin, mahalin at pausbungin dahil ito ay magiging daan natin sa ating kaunlaran.
No comments:
Post a Comment